Dad,

Ambilis ng panahon, akalain mo, dalawang taon na tayo? Inakala mo ba nung una na ako yung babaeng magiging girlfriend mo at mamahalin ng lubos? Ako sa totoo lang hindi. Hindi ko akalaing ikaw na pala yon. Hindi ko alam na ang unang kong partner sa ballet eh magiging partner ko sa buhay panghabangbuhay.



Salamat. Salamat sa lahat. Salamat sa pag-alis ng katarayan ko, salamat at tinuruan mo akong maging simpleng babae lang. Pinakita mong wala akong kailangang gawin at hindi ko kailangang magpanggap para mahalin mo ko. At naramdaman ko, na may pera man tayo o wala, masaya parin tayo sa piling ng isa't isa. Yun lang, tama na para satin. At para sakin higit pa yun sa sapat.

Patawarin mo ko. Sa pagtaksil sayo, sa lahat ng katarayan, sumbat at tampong wala sa lugar. Pero ito sinasabi ko sayo, pag nagagalit ka sagad sagaran. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinaiiyak dahil sa wala sa lugar na pangaakusa. Hindi ko nalang sinasabi sayo pero pag ako nalang mag-isa umiiyak ako. Alam ko ang kasalanan ko sayo at alam kong nagbago na ako. Pero bakit hindi ka pa din naniniwala..
Nagbago na ako dad. Nagbago ako kasi yung mga akala kong hinahanap ko sa iba eh nasayo pala. Nandito na pala sa harap ko ang tanging bahay na kailangan ko sa buhay at magpapakumpleto sakin. Eto na ang lalaking tumanggap ng lahat ng aspeto ni Chesca, mula sa sitwasyon ng pamilya, hanggang sa pagpunta sa bahay namin, sa pagsama sakin sa mga tiangge at pagsundo sa kin, sa business ko, lahat. Eto na ang lalaking nagsakripisyo at nagbigay ng lahat para sakin pero hindi ko napansin. Hindi na ngayon.

Iyo ako. Iyo ako habang buhay at sa mga susunod pa. Tulad ng sinabi ko sayo nung isang araw, wala na akong mhihiling pa. Dyan lang ako sa akap mo ako hihimlay.

Mahal kita.
Hindi na nyan kailangan ng paliwanag..




Happy Anniversary,
Ma
Posted by familiaignacio on April 1, 2005 at 12:12 AM in HAPPY ANNIVERSARY as a stickied, favorite post | do a pirouette.


HUWAW!! Happy happy happy happy aniversary!! Hope your relationship grows even stronger everyday :D Heehee...cheers...*HUGS*
Posted by familiaignacio on March 31, 2005 at 11:56 PM in HAPPY ANNIVERSARY | do a pirouette.


Hi Daddy! (YUCK! FC~feeling close~ na agad!) But anyway, Daddy! HAFFY (hindi P, para mas masaya) ANNIVERSARY! Yey!

Daddy,

Since ako ang paluan ni Mommie... Ang request ko lang ay PAKABAIT ka kay Mommie namin! (hindi naman masyadong sarcastic yung pakabait ko noh?) At least, alam mo kung ilang anak ni Mommie ang papatay sa iyo kapag hindi ka nagpakabait.
MAHALIN MO ANG MOMMIE NAMIN.
WALA MAN ME THERE... MISS NA MISS KO NA ANG MOMMIE KO...
Sayang Dada...
hindi man lang kita nakita Dada... anyway, ingat ka Dada.. And sana paguwi ko... Ma-meet ko na ang Dada ko! YEY!!!

Mommie....
HAFFY ANNIVERSARY!!
miss na kita..
Alam mo naman na love na love kita Mommie..
And miss na miss na kita just like how much I miss ang mga watermelon seeds! JOKE!! SIYEMPRE naman! MAS (take note) mas NAMIMISS NAMAN KITA SA BUTONG PAKWAN NOH!! loveshuwi Mommie and Dada! ~MWAHHUGZ~
Posted by familiaignacio on March 31, 2005 at 11:50 PM in HAPPY ANNIVERSARY | do a pirouette.
"When two people love each other, REALLY love each other, when do they come to the point when enough is enough? NEVER."
-- The Mexican

Happy Anniversary! I hope your relationship stays strong.

Posted by familiaignacio on March 31, 2005 at 11:48 PM in HAPPY ANNIVERSARY | do a pirouette.


Dear Syd & Chesca,

Happy anniversary! I hope you're relationship grows strong.
(nabura ko yung iba dad may sira yung editing SORRY!!)

Love,

Jason

Posted by familiaignacio on March 31, 2005 at 11:46 PM in HAPPY ANNIVERSARY | do a pirouette.
posted on March 27th, 2005 at 08:06 AM
Dear Syd and Ches,

Hello. Yun lang. Joke. Eto na talaga.
*ehem*
MGA HUDAS KAYO! Di kasi kayo umaamin na kayo na dati pa e! Malay ko bang isang taon na kayo nyan?! Haha. Joke lang yan. I hope your relationship lasts long. Maybe in the future I'd see the two of you dancing together. Hmm hmm.. Syd! Alagaan si Chesca. Che! Alagaan si Sydney. Ingat kayo pareho. Ayus? Ayus. What else? Ewan. Hehe.

HAPPY ANNIVERSARY! See you guys wherever!

Posted by familiaignacio on March 29, 2005 at 10:51 PM in HAPPY ANNIVERSARY | do a pirouette.
We are nearing our second anniversary and I'd like to say that I'm really very happy and couldn't possibly any happier.

Sydney maraming salamat sa pagmamahal. Mahal na mahal din kita.
Posted by familiaignacio on March 21, 2005 at 05:33 PM | do a pirouette.
We turn one year and eleven months today, and DAD, even if you don't know of this journal yet, know that I love you and that I'm very happy to have you.
Posted by familiaignacio on March 1, 2005 at 11:52 PM | do a pirouette.
« Newer · »